CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Higit sa tatlong daang mga pasaherong turista mula sa Bahamas ang lulan ng MV Sojourn, isang luxury at high-end cruise ship ang dumaong sa pier ng lungsod at nanatili rito ng humigit sa sampung oras upang makapasmasyal lamang sa World Top Island Destination sa mundo at nakita ang isa sa seven wonders of nature, ang underground river.

Karamihan sa mga ito ay may mga edad na at mga business tycoon na nagnanais na makapamasyal sa ibat-ibang lugar sa bansa. Ayon sa imposmasyon mula kay Ms. Aileen Cynthia Amurao, ito ang kauna-unahang pagdaong ng nasabing luxury cruise ship sa bansa kung saan ay ang lungsod pa ang napiling maging last port of call maliban sa Manila at Coron. Ang Palawan lamang ang ikinunsiderang puntahan ng nasabing cruise ship upang makita ang nangungunang islang pasyalan sa buong mundo.

Higit tatlong daan din ang mga tripulante ng nasabing cruise ship at kalahati umano sa mga ito ay mga Pilipino na hindi rin pinalipas ang pagkakataong makababa at makapamasyal sa Underground River at mag city tour.

Inaasahan na sa nalalapit na panahon ay magiging madalas ang pagpunta rito ng nasabing luxury cruise ship dahil nasiyahan ang mga turistang nagsitungo rito. Napakaganda, tahimik at hospitable umano ang mga mamamayan rito at friendly kaya’t ito ang rason na sila ay muling babalik sa lungsod.

Labis na nagpasalamat ang pamunuan ng MV Sojorn sa mainit na pagtangap ng mga mamamayan ng lungsod sa kanilang mga pasaherong turista at mga tripulante, hinding-hindi umano nila ito malilimutan. Pinasalamatan din nila ang pagkakaloob ni Mayor Lucilo R. Bayron ng token na susi ng Lungsod ng Puerto Princesa na nagsisimbolo na sila ay welcome na muling bumalik sa ating lugar.

Article Type: 
Categories: