Printer-friendly version

Sa selebrasyon ng Mother’s day  pinarangalan ni Mayor Luis Marcaida ang isang-daang (100) kababaihang kinilalang ulirang ina mula sa anim napu’t-anim (66) na barangay ng Puerto Princesa nitong ika-13 ng Mayo sa Holiday Suites.

 

Ang 100 ulirang ina ay pinili ng bawat barangay kapitan sa batayang nagpakita ng katatagan sa buhay, pagsisikap para sa kapakanan ng mga anak at pamilya, sakripisyo ng oras at panahong upang siguruhing maayos ang kalagayan at kalusugan ng bawat miyembro ng kanyang pamilya at nagsisilbing ilaw at inspirasyon upang magtagumpay sa buhay. Liban pa dito ang kanyang kahandaang makibahagi sa pagpapaunlad ng komunidad.

 

Tumanggap ng sertipiko ng pagkilala at bulaklak ang mga inang pinarangalan na ibinigay ni G. Monette Marcaida na kumatawan sa alkalde, G. Erwin Edualino at G. Jimmy Cañete, pagkilala sa lahat ng sakripisyo ng mga nanay hindi lamang sa pamilya kundi para sa komunidad. Buo naman ang suporta ni Gng. Marcaida sa programa ng alkalde at aniya, “Hindi lang ang pagsilang ng isang sanggol ang batayan ng pagiging isang ina at bilang ina ng lungsod ay sumasaludo ako sa sakripisyong inyong ginawa dahil sa napakahalaga ng ginagampanang papel ng mga nanay sa lipunan”. Hiniling din ng unang ginang sa mga dumalo na patuloy na suportahan ang mga programa ng pamahalaan. Hindi ito ang huling pagkakataon kikilalanin ang mga nanay at kababaehan sapagkat maraming programa sa kababaehan ang pamahalaang lungsod.

 

Tampok sa palatuntunan ang pagpapakitang-gilas at pagbahagi ng mga kwentong-nanay na nagpakita ng katapangan at katatagan ng mga ilaw ng tahanan.  

 

 

 

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu