Printer-friendly version

Puerto Princesa, April 12 CIO - Paiig-tingin pa ng Pamahalaang Lungsod ang kampanya tungo sa mas maunlad na industriya ng turismo bilang flagship at major industry sa Puerto Princesa. Katuwang ang media affairs bureau ng Philippine Airlines magsasagawa ng familiarization tour ang mga media ng bansa upang higit na maipakilala ang mga destinasyon at atraksyon sa lungsod na pinagmumulan ng pangkabuhayan ng mamamayan dito. Ito ang buod ng ipinaabot na mensahe ni Punong Lungsod Luis Marcaida III sa pamamagitan ni City Information Officer (CIO) Elmer Zita sa regular na flag raising ceremony nitong lunes, Abril 10 sa harap ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.

 

“We will embark on a policy direction to review, revisit, re-enforce, repackage, and reintroduce the City of Puerto Princesa in a broader paradigm” ayon pa kay Mayor Marcaida. Idiniin pa nito sa kanyang ipinarating na mensahe, na sa pamamagitan ng social media log sites, makatutulong na maitaas ang antas ng global linkages at interconnectivity para sa tuloy-tuloy at epektibong estratehiya sa pagpapakilala ng tourist destination ng Puerto Princesa na sisiguro sa tagumpay ng mga programang pangturismo sa lungsod.

Hinihikayat naman ng alkalde ang lahat na magkaisa upang paigtingin pa upang higit pang palakasin ang industriya ng turismo bilang major industry, kasama ang lahat ng sektor ng pamayanan, stakeholders ng industriya ng turismo.

Pinasalamatan din ni Punong Lungsod Marcaida ang lahat ng kawani at mga opisina ng Pamahalaang Panlungsod na gumawa ng daan para sa tagumpay ng Puerto Princesa. Kanya ring pinasalamatan ang pagsisikap ng mga naunang administrasyong malaki ang naging bahagi para sa pagpapa-unlad ng turismo at industrya ng lungsod.

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu