CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Dinaluhan ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan at maging ng private sector ang launching ng fish cage at floating cottages kaninang umaga sa Purok Sandiwa, Barangay Tiniguiban na siyang barangay beneficiary ng bagong eco-tourism destination at bagong CBST sa Lungsod ng Puerto Princesa.

 

        Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng City Tourism Office at ng City Agriculture Office na kung saan, nagkaloob ng P1.8M  ang Pamahalaang Lungsod at P2.0M naman ang mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

 

        Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang ginawang pamamaraan ng City Tourism Office sa pamumuno ni Ms. Aileen Amurao ang pangangalap ng pondo at sa tulong ng DOLE.  Bagama’t hindi nakarating si Sec. Rosalinda D. Baldoz- DOLE Secretary, siya ay kinatawan ni Mr. Luigi Evangelista.  Matatandaan na, ang DOLE din at ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ni Gov. Jose Chaves Alvarez, ang tumulong upang masimulan ang PAYAO Project ng lungsod.

 

        Nagsalita din ang mga kinatawan ng iba’t-ibang tanggapan na malaki ang naging tulong sa proyektong ito na tinawag na “convergence project” para sa ika-uunlad pa ng eco-tourism ng lungsod dahil nais ng punong lungsod na padamihin pa ang mga tourism destination sa lungsod.

 

        Masaya ding ibinalita ni Mayor Bayron sa kaniyang mensahe na tuloy na ang itatayong Ocean Park dito sa lungsod sapagkat ito’y aprubado na ng DENR, at inaasahang mas malaki pa sa Ocean Parks na nasa Hongkong at Manila;  gayundin, ang naging magandang resulta ng pag-aaral tungkol sa mataas na kalidad ng tubig sa Sta Lucia Hot Spring na malapit na ding i-develop. Ang Sta. Lucia Hot Spring ay  nadiskubreng may matas na level ng alkaline ayon na din sa pag-aaral ni Dir. Carlo Arcilla, Director ng National Institute of Geoscience ng U.P. Diliman.(cio)

 

Article Type: 
Categories: