CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa July 28 CIO - Tatlumpong (30) kandidata ng Mutya ng Pilipinas 2015 ang naglaban-laban para sa Swimsuit Competition na ginanap noong gabi ng July 22, 2015 sa Sheridan Beach Resort, Sitio Sabang, Bgy. Cabayugan, Lungsod ng Puerto Princesa.  Sa gabing yun din ay  ilang piling kandidata naman ang nagpamalas ng kanilang talento para naman sa Talent Competition ng nasabing patimpalak kagandahan.

 

Dinaluhan ni Mayor Lucilo R. Bayron ang nasabing okasyon at nagbigay ng kanyang maikling mensahe para sa lahat ng naroroon.  Host sa gabing yun si Ms. International 2013 Bea Rose Santiago. Naroroon ang actor na si Jason Abalos kasama ng kasintahang Mutya ng Pilipinas 2011 at Pinoy Big Brother: All In 4th placer Vicky Rushton.

 

Matapos ang pagrampa  sa swimsuit at pagpamalas ng talent ng mga kandidata ay nagbigay  ng awards ang ilang sponsors ng nasabing patimpalak. Nakuha ni Janela Joy Cuaton- Mutya ng Doha Qatar ang award na Miss Sky Jet at Miss Photogenic. Ang Miss Rain or Shine naman ay naiuwi ni  Julee Ann Marie Bourgoin- Mutya ng Cagayan De Oro. Ang Miss Sheridan ay nakamit naman ni Leren Mae Bautista-Mutya ng Laguna.

 

Ang Best in Talent ay nakuha ni Aislinn Anne Sebastian-Mutya ng Southern California. Tinawag naman ang top 5 ng best in swimsuit. Sila ay sina Keryln Horn-Mutya ng Northern California, Brenna Cassandra Gamboa- Mutya ng Nueva Ecija, Leren Mae Bautista- Mutya ng Laguna, Jaymie Lou Pagulayan- Mutya Isabela at si Janela Joy Cuaton- Mutya ng Doha Qatar. Sa huli ay naiuwi ni Mutya ng Laguna, Jaymie Lou Pagulayan ang Best in Swimsuit.

 

Ang gabi ng koronasyon ng Mutya ng Pilipinas 2015 ay gaganapin sa August 2, 2015 sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World.(franz)

Article Type: 
Categories: