Printer-friendly version

Puerto Princesa City- Bakas sa mukha ang kasiyahan at pasasalamat ng mga taga Sitio Tagbato, sa pangunguna ng kanilang Purok President Mr. Allan Gutierrez at mga dating Barangay Kagawad Amy Abogador at Kgwd. Dagot ang pinasinayaang concrete bridge na umano ay ipinangako ni Mayor Lucilo R. Bayron noong panahon ng kampanya. Sa wakas, pagkatapos ng mahabang panahon ng paghihintay ay naging konkreto na ang dating pinagtagpi-tagping tulay na gawa sa ordinaryong kahoy. Sa katotohanan, marami na ang nadisgrasya sa tulay na kahoy dahil sa ito ay nagsisilbing daungan ng mga  huling isda sa lugar patungo sa kabayanan.

 

            Ang tulay ay may haba na 150 metro at sa bandang dulo ay may hugis na letrang “T” upang magsilbing daungan ng mga bangka ng mga mangingisda. Inabot ng anim na buwan bago natapos ang proyekto dahil sa pabago-bagong lalim ng dagat; subalit ang pinakamahalaga sa lahat ito ay ginawa sa pamamagitan ng bayanihan concept. Maging ang mga kababaihan ay tumulong sa paghakot at paghalo ng mga semento kung kaya’t walang duda na may pagmamalasakit ang mga mamamayan ng Sitio Tagbato                                     

           

            Sa pamamagitan ng tulay na ito, ay binuksan at hinamon ni Mayor Bayron ang kaisipan ng mga tiga Bgy. Salvacion ang potential ng lugar para sa turismo. Balak ni Mayor Bayron na palakihin, pagandahin, at pailawan pa ang tulay at gawing konkreto ang daanan mula sa highway. Dito sa lugar na ito ang alternatibong ruta ng mga turista na bababa mula sa Island Hopping tour sa Honda Bay patungo ng Underground River upang mabawasan ang pagsikip sa Honda Bay.

 

            Umaasa si Mayor Bayron  at Vice-Mayor Luis M. Marcaida III  at mga miyembro ng City Council maging sina Punong Barangay ng San Pedro-Cocoy Gabuco, Col. Bong Amurao, dating Konsehal Jimmy Carbonnel na hindi dito natatapos ang proyektong ito ng Apuradong Administrasyon.(ci0)

 

 

 

Article Type: 
Categories: