CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Puerto Princesa, Nov. 17 CIO - Nagbunyi ang  mga mamamayan ng Lungsod ng Puerto Princesa sa biyayang dala ng Apuradong Administrasyon. Ipinadama ng Lokal na Pamahalaan ang pagmamahal nito sa mga mamamayan ng Lungsod sa pamamagitan ng  pag-gugol ng buong araw ng Sabado, petsa a-31 sa buwan ng Oktubre 2015, upang pasinayaan ang walong proyektong kalsada na kabilang sa mga proyekto ng Action Man ng Lungsod, Mayor Lucilo R. Bayron sa ilalim ng kanyang Apuradong Administrasyon.

 

Nagkakahalaga ng kabuuang P73,666,398.33 piso ang mga pinasinayaang proyekto na kinabibilangan ng mga sumusunod:

 

  1. Concreting ng Apan Road sa Bgy. Siscsican
  2. Paduga Road Phase II sa Bgy. Sta Monica
  3. NHA Vill Access Road Phase I
  4. Memorial Park Road-Muslim Cemetery Phase II
  5. San Jose-San Manuel Parallel Road (Atis Road to Angela’s Farm)
  6. Lanzanas Road Phase I
  7. Libis Road Phase II  at
  8. Circulation Road Phase III

 

Samantala, isinabay din dito ang groundbreaking ng mga gagawing proyekto ng pamahalaan ngayong huling quarter ng taon  na nagkakahalaga ng humigit P63 milyong piso na kinabibilangan ng:

 

  1. Concreting ng Iwahig Road Phase I
  2. Irawan Bgy. Site Road Phase II
  3. DENR-PENDRO Road Phase I, Bgy. Sta Monica
  4. Tagburos Village Road Phase I
  5. Pagayona Road Phase III, Bgy. San Pedro
  6. Abaa Road , Bgy. San Pedro
  7. Macabalu-Padrones Road Phase I, Bgy. San Pedro
  8. Westwood Road (Hagedorn Road), Bgy. San Pedro

 

  1. Juan Luna Road Phase II , Bgy. Matiyaga
  2. Gabuco Road (heredero rd)ikat
  3. Katon Road, Bgy. Bagong Sikat

 

Ang tatlong Drainage naman ay matatagpuan sa Pablico Road, Bgy. Tiniguiban at sa Masunurin Road, Bgy. Tiniguiban habang ang isa ay sa Socrates Road, Bgy San Pedro. Lubos na nagpasalamat ang mga mamamayan sa mga royektong isinusulong ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Lungsod. Malaki umano itong tulong sa kabuhayan ng mga tricycle drivers at kaginhawaan sa mga residente na matagal ng nagtitiis ng alikabok at putik naman sa tag-ulan.(tess)

 

 

Article Type: 
Categories: