CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Printer-friendly version

Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa labinglimang (15) infra projects sa taong 2015 ngayong Lunes, April 20, 2015 sa iba’t-ibang barangay at magsisimula ganap na 8:30 ng umaga.

 

         Matatandaan na noong Marso 10, 2015 ay ginanap ang bidding na pinamahalaan ng BIDS AND AWARDS COMMITTEE sa pamumuno ni Atty. Gia L. Ariosa bilang Chairman. Ang  buong projects ay umaabot sa P136,072,360.05 na kung saan labingtatlo (13) sa mga ito ay concreting of roads at ang tatlo (3)  naman ay pawang  mga gusali.

 

         Nailabas na ang Notice to Proceed noong April 1,2015 kung kaya’t handang-handa na ang lahat kasama ang mga kontratista at barangay opisyales para salubungin ang pagdating ng kaunlaran sa kani-kanilang barangay.

 

        Inaasahan ni Mayor Lucilo R. Bayron na di maglalaon at makukumpleto ang lahat ng proyektong ito para sa kaginhawaan ng mga motorista at kababayan na matagal ding naghintay sa kaganapan ng proyektong ito.  Inaasahan din ng ating Punong Lungsod na ang ating mga kababayan ay magiging taga-bantay ng proyektong ito upang mapangalagaan ang perang gugugulin para ditto.  Mahigpit ang pamantayan ng ating Punong Lungsod sa pagtanggap ng mga proyektong ganito kaya nararapat lamang na mahusay ang paggawa nito para maging handa pagdating ng araw ng inauguration.

 

Article Type: 
Categories: