Printer-friendly version

Puerto Princesa, Nov. 17 CIO - Muling sasabak sa isang international beauty pageant ang dalagang mula sa Lungsod ng Puerto Princesa sa katauhan ni Bb. Cindy Pacia Madumma. Napili ng Miss Scuba Philippines team si Madumma na maging kinatawan ng bansang Pilipinas sa gaganaping Miss Scuba International 2015 Pageant sa  November 27 sa Kota Kinabalu, Malaysia. 

Ang gaganaping Miss Scuba International Pageant ay may hangaring “Saving Oceans through Beauty” na nagsimula noong 2011. Ang patimpalak kagandahan na ito ay nakatuon sa konserbasyon ng  karagatan at ng mga lamang dagat. Ito ay itinatag ni Robert Lo na naniniwalang merong “sustainable development” sa loob ng “marine environment”. 

Si Bb. Madumma ay isang registered nurse na nakapagtapos mula sa Palawan State University.  Nakaraang taon ay nakuha ni Bb. Madumma ang titulong Miss Global Philippines 2014 Tourism Ambassador at nirepresenta ang Pilipinas sa Miss Tourism World 2014 na ginanap sa Caracas, Venezuela kung saan nakuha niya ang best in long gown award.

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu