Printer-friendly version

“Maganda na magkasama tayo sa trabaho para sa ating lungsod,” ito ang tinuran ni Mayor Lucilo R. Bayron sa naging pag-uusap nila ni Atty. Rocky Austria ng hikayatin ng una na maging kasama nito sa pagpapatupad ng programang pang sports ng Pamahalaang Lungsod.

 

Samantala, nagpasalamat naman si Atty. Austria sa ibinigay na tiwala at kumpiyansa ng Punong Lungsod na pamunuan nito ang City Sports Program sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

 

Ayon pa dito, wala naman umano silang hindi pagkakaunawaan at matagal na taon din silang magkasama hindi lamang sa iisang partido maging sa pagbalangkas ng mga batas noong panahong pareho silang naninilbihan sa Sangguniang Panlungsod bilang Bise Alkalde ( Mayor Bayron ) at konsehal ( Atty. Austria ).

 

“Panahon na upang isantabi ang usaping pampulitika, mag move on na sa nakaraan at magkaisa, magtulungan para sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng Puerto Princesa.”  Ito naman ang tinuran ni Atty. Austria sa pagbibigay tiwala sa kanya ng Alkalde.  Bukas umano siya sa ganitong mga pagbabago at handang makipagtulungan at malaking karangalan sa kanyang parte ang ibinibigay na tiwala ngayon ng Punong Lungsod.

 

Agarang inilatag ni Mayor Bayron ang kanyang mga plano at pangarap para sa pagpapalakas ng programa ng City Sports.  Kabilang na dito ang pagsasaayos at pagmomoderno ng Ramon V. Mitra Jr. Sports Complex kasama na nakapaloob dito ang Balayong Park na pansamantalang naantala noong panahong bumaba sa pwesto ang Alkalde dahil sa mga usaping legal na kanyang kinaharap.

 

Kung matatandaan si Atty. Austria ang City Sports Director ng lungsod ng matagumpay na isagawa dito ang Palarong Pambansa.

 

Nangako naman ang bagong talagang City Sports Director na gagawin nito ang kanyang makakaya na ayusin at mas lalo pa paigtingin ang mga programa sa larangan ng sports na naaayon sa pangarap at plano ni Mayor Bayron.

 

Lubos umano ang kanyang kasiyahan na makasamang muli ang Alkalde at muling magserbisyo sa mga mamamayan ng lungsod sa ilalim ng Super Apuradong administrasyon.

Article Type: 
Categories: 

Navigation Menu