CLICK HERE! For Electronic Services and Online Payment

Articles Archives

Other Articles

  • Magkakaroon muli ng Public Auction Sale Of Delinquent Real Properties ang tanggapan ng Ingat Yaman o City Treasurer’s Office nitong buwan ng Hulyo. Ito ay isang paraan ng gobyernong paalalahanan ang mga mamamayan lalo’t higit ang mga hindi nakakapagbayad ng buwis ng mga ari-ariang di natitinag o real properties ng matagal nang panahon o lumampas na sa itinakdang palugit ng pamahalaan.

  • Positibo sa paralytic shellfish poison o red tide ang baybayin ng Puerto Princesa batay sa inilabas na Shellfish Advisory no. 23 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon Hulyo 3.  Umabot sa 80 µgSTXeq/100g ng shellfish meat ang toxic level na nakolekta sa baybayin ng Puerto Princesa kung saan ang regulatory limit lamang nito ay 60 µgSTXeq/100g ng shellfish meat.

     

  • Tinanghal na Gold Best in Evening Gown si Ms Puerto Princesa 2015 Sandrine Stoelzaed, sa evening gown competition ng Ms Philippines - Earth 2017 noong gabi ng July 1, 2017 sa City Coliseum, Lungsod ng Puerto Princesa.

    Si Catherine Tabaniag ng Panglao, Bohol ang Silver Best in Evening Gown at Bronze Best in Evening Gown ang representative ng New Zealand na si Jessica Rose Mc Ewen. 

  • Iginawad ni Mayor Lucilo R. Bayron ang isang Sertipiko ng Rehistrasyon sa SITEL PHILIPPINES CORPORATION noong Hunyo 28, 2017, sa inagurasyon ng establisimento. Ang sertipiko ay tinanggap  ni Craig  Reines, Chief  Operation Manager ng kompanya. Nagsasaad ito ang 100% exemption sa pagbayad ng business tax para sa taong 2017 at 2018, 75% sa 2019 at 50% sa 2020. 

     

  • Ginanap sa lungsod ng Puerto Princesa ang isang araw na Convergence of Luzon ICT Champions Conference na tinawag ding Click Con nitong ika-16 ng Hunyo sa Asturias Hotel.

  • “Pangalagaan at pagyamanin ang proyektong ito upang makatulong na umangat ang antas ng inyong kabuhayan dito”, ito ang buod ng mensahe ni City Tourism Officer Aileen Cynthia M.

  • Muling  pinagkalooban ng Department of Finance, Bureau of Local Government Finance-MIMAROPA ng Plaque of Grateful Recognition and Sincere Acknowledgement of Revenue Generation Program ang Puerto Princesa.  Lumampas ng 119% ang koleksyon sa nilalayong halaga ang nalikom ng siyudad.

  • Sa selebrasyon ng Mother’s day  pinarangalan ni Mayor Luis Marcaida ang isang-daang (100) kababaihang kinilalang ulirang ina mula sa anim napu’t-anim (66) na barangay ng Puerto Princesa nitong ika-13 ng Mayo sa Holiday Suites.

     

  • Opisyal ng sinimulan ang Philippine Swim Long Course Swim Series Palawan League 1-3, nitong ika 11 ng Mayo sa Sports Complex Swimming Pool, handog ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Luis M.

Pages