Printer-friendly version

 

Puerto Princesa, March 11(CIO) – Tunay na di maisasantabi ang galing ng mga nurses, muling pinatunayan ang kakayahang nito makaraang tinanghal na Miss Puerto Princesa 2013 si Beverly Joyce Blanco, isang registered nurse sa katatapos na 9th Balayong festival ng lungsod. Malugod na tinangap ng dalaga ang korona at karangalan mula kay Mayor Edward Hagedorn at unang ginang Ellen M. Hagedorn sa coronation night nitong Marso a-kuatro.

Proyektong  pangkalusugan ang may  kompeyansang isinagot ni Blanco sa huling katanungan  sa kanya na sakaling manalong Ms. Puerto, anong natatanging proyekto ang isusulong nito. Bilang nurse alam ni Blanco ang kahalagahan ng malusog na pamayanan, naniniwala siyang mabilis ang pag-angat ng ekonomiya ng isang lugar kapag ang mga mamayan dito ay malusog at masigla.

First runner-up, Ms. Mary Kay, Ms. Vision Worx at Best in Swimwear si Raniela Marie Oval ng Barangay Mandaragat, 2nd runner- up si Jeanelyn Capacillo, 3rd runner – up at Ms. Camella, Ms. Street Jeans, Ms. Smart Texter’s Choice, Best in Long Gown, Best in Casual Wear at Best in Talent si Kathreen Grace Ahorro  at 4rth runner-up at Ms. Cebuana Lhullier si Giza Mae Pineda.

Ang search for Ms. Puerto Princesa ay taonang isinasagawa upang magkaroon ng pagkakataon ang mga kadalagahan ng lungsod na maipakita ang kanilang talino, talent at kagandahan. Isang pagkakataon din upang maihanda ang sarili sa katulad na patimpalak sa labas ng lungsod. (maya estiandan)

Article Type: 
Categories: